Mga ospital sa Negros binabantayan vs kidnapping ng mga baby

PINAG-IBAYO ng awtoridad ang pagbabantay sa mga ospital sa Bacolod at Negros Occidental kasunod ng insidente ng kidnapping ng isang bagong silang na sanggol.

Una nang nanawagan si Bacolod City Police Director Senior Supt. Ricardo de la Paz sa mga government at public hospitals na
pag-ibayuhin ang ipinatutupad na security measures upang hindi na maulit ang nagyaring kidnapping noong nakaraang linggo sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

Kaugnay nito, naisampa na ang kasong kidnapping laban kay Lilet Lentija, 22-anyos matapos maaresto sa kanyang bahay sa Brgy. Villamonte, Bacolod.

Samantala sinabi ni Dela Paz na walang grupo ng mga sindikato na nagnanakaw at nagbebenta ng mga sanggol dahil ang nasabing insidente ay isang isolated case lamang.

Ayon kay Dela Paz, sapilitang kinuha ng suspek ang sanggol ng kanyang live-in partner na isang construction worker upang hindi siya iwan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply