Mga panindang parol, dumadagsa na

PATULOY na dumadagsa sa iba’t ibang lansangan ang Christmas decors at magagandang parol, hudyat na papalapit na ang Pasko.

Kaugnay nito, puspusan na ang mga tindero sa paggawa ng iba’t ibang uri ng disenyo ng mga parol ngayong nagsimula na ang “ber” months.

Ayon sa mga vendor, mula sa mga kakaibang materyales ay dinagdagan pa nila ito ng iba’t ibang kulay para mas maakit ang publiko.

Gayunman, medyo mahina pa ang bentahan sa ngayon at inaasahang lalakas ang kalakal nito pagsapit ng Oktubre hanggang Nobyembre.

Matatandaang nakilala ang bayan ng Gerona sa Tarlac sa paggawa ng mga magagandang parol na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P2,000 depende sa pagkakayari nito

Ang parol na isinasabit sa bintana ay nagmula sa Alemanya. Dumating dito sa Sweden noong taong 1930. Ang unang “advent” ay simula na ng pasko. Maraming bata ang may kalendaryong pamasko na binubuksan nila
araw-araw hanggang dumating ang ika-24 ng Disyembre.

Ang unang kalendaryong pamasko ay nagsimula dito sa Sweden noong taong 1934.

Nagsisimula na ang paghahanda ng pasko. Marami na ang namimili ng mga pang-aginaldo. Naghuhurno, naglilinis, nagkakabit ng mga ilaw dagitab at binibihisan na ang mga Christmas tree.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply