Mga panukala sa turismo

MAHALAGA ang turismo sa isang bansa. Hindi lamang ito nakapagpapasigla ng ekonomiya, nagiging epektibong paraan din ito na maipakita sa buong mundo ang kagandahan ng isang lugar. Kaya naman may Kagawaran ng Turismo upang mabigyan ito ng sapat na pansin at makatulong sa ekonomiya. Sa ngayon “It’s more fun in The Philippines” ang slogan ng ating turismo. Dati ay “Wow Philippines.” Dati ay minungkahi ko ang “ONLY IN THE PHILIPPINES.”

Noong majority floor leader ako ng Quezon City Council ay may mga mungkahi ako na sa aking pananaw ay makatutulong sa turismo. Pananaw ko na hindi lang magpunta rito sa atin ang mga turistang banyaga kundi magustuhan nila at bumalik sila nang paulit-ulit at gumastos sila rito. Ang mga turistang ito na rin ang maaaring umakit sa kanilang mga kababayan na pumunta sa ating bayan hanggang sa dumami nang dumami sila.

Pero para magawa natin yan, dapat ay may magagandang alaala ang mga turista natin sa pagbisita rito.

Kailangang komportable sila pagdating sa mga airport natin. Mga honest at hindi mapagsamantala ang mga taxi driver. Malinis ang kapaligiran at safe sila rito.

Hindi magiging biktima ng pagnanakaw o anomang krimen. Pagpunta nila sa mga restaurant, mall at lugar na pasyalan, dapat enjoy sila. May mga magugustuhang souvenir item na iuuwi nila sa kanilang bansa. “Tourist Friendly” dapat ang mga Filipino. Kapag alam na banyaga, dapat  paramdam natin na welcome sila sa Pilipinas.

Eh, attorney, saan ba pupuwedeng mamasyal ang mga turista? Maraming magagandang lugar sa Pilipinas.

Nandiyan ang Boracay, Bohol, Palawan, Davao, Cebu at iba pa. Dito sa Kamaynilaan nandiyan ang Intramuros at Bayside at mga karatig-lugar tulad ng Corregidor, Subic at Tagaytay. Depende sa turista kung saan siya mag-e-enjoy. May mga beach ang hilig, historical places, shopping at entertainment.

Mungkahi ko rin na mag-develop tayo ng mga bagong tourist spot. Tulad ng mga Theme Park o kung saan may mga kakaibang experience ang mga turista na rito lang sa Pilipinas matatagpuan.

Malaking tulong ang pagkakaroon ng mga event. May mga turista na pumupunta sa lugar dahil sa mga event.
Tulad ng mga sports competition, musical concert, trade fair at iba pa. Puwede ring pumunta rito sa atin ang mga banyaga hindi dahil pangunahing puntirya nila ay mamasyal kundi dahil sa pangangailangan. Ang “Medical Tourism” ay isang magandang programa dahil mas matipid daw ang magpagamot sa mga ospital dito pero mahuhusay rin ang medical service.

Kinakailangan din na pasiglahin natin ang local tourism. Bago pa tayo maging turista sa ibang bayan dapat ay hindi tayo maging dayuhan sa sariling bayan.

Dapat din na mai-promote natin ang mga produktong Filipino na puwedeng tangkilikin ng mga dayuhan at kapwa Filipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply