Mga partylist na laglag na sa talaan ng Comelec

TINANGGAL ng Commission on Elections ang 17 partylist group na nais na lumahok sa 2013 mid-term elections dahil sa kakulangan ng required documents, track record at iba pang kadahilanan.

Kabilang sa mga tinanggal ng Comelec ay ang Addicts and Alcoholics Carrying the Message Association (AACMA, INC); Bangon Mangingisda (BM); Aniban ng Magtutubig ng Pilipinas (Ama ng Pilipinas); Lupon ng mga Tricycle, Trisikad at Habal-habal drivers; Aksyon Mahirap (AMIN); 1-AANGAT KA PILIPINO (1-AK); Isa Akong Magsasaka Foundation (1 AM); Asosasyon ng Mangangalakal (ASKAL) at Sararong Bicolnon.

Laglag na rin ang Aurora Integrated Multi-Purpose Cooperative (1-AIMCOOP), Nagkaisang Alay sa Bayan ng Maka-DIyos at Makabayang Nangangalakal (1ABAYAN), Ako at ang Basura Movement (AKO BA), Alliance for Democracy and Morality – Bantay Pasahero (ADAM-BANTAY PASAHERO), National Crusaders for Peace and Democracy (NCPD), Mindanao Allied Forces (MAF), Vendors Aggruption at Philippine Banana Pioneer Foundation Inc.

Ayon naman kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., hanggang 60 partylist group kada araw ang kanilang isasalang sa mabusising pag-aaral upang mapabilis ang pagrerebisa sa accredidation ng daan-daang partylist organizations.

Ayon kay Chairman Brillantes, ang pagpapalabas nila ng quota ay upang maabot ang kanilang timeline sa election preparation.

Inaasahan namang mailalabas ang kumpletong listahan sa huling bahagi ng Oktubre.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply