Mga Pinoy sa Syria, nais nang umuwi sa Pinas

NANAWAGAN ngayon ang mahigit 5,200 Filipino na nais nang lumikas sa  Syria bunsod ng patuloy na karahasan sa naturang bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Rafael Seguis, nagparehistro na ang mga interesadong Pinoy na umuwi  sa Philippine embassy sa Damascus, Syria para sa repatriation.

Batay sa impormasyon naaantala ang pag-uwi ng mga Pinoy dahil kailangan pang makumpleto ng mga ito ang documentary requirements at makakuha ng exit visa.

Nanawagan naman ang opisyal sa mahigit 7,000 Pinoy na nananatili sa Syria na magsilikas na habang bukas pa ang air at land routes palabas ng naturang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply