Mga politiko binalaan ng PNP sa pagbabayad ng access fee ng NPA

IBINABALA ng Philippine National Police (PNP) sa mga politiko ang umiiral na access fee na ipinatutupad ng New People’s Army sa mga kandidato na mangangampanya sa mga lugar na sinasabing balwarte ng rebeldeng grupo.

Ayon kay PNP-OIC Provincial Director S/Supt. Milko Lirazan, posibleng ma-disqualify sa halalan ang kandidato na mapatunayang nagbayad ng access fee sa mga rebelde.

Nilinaw din ng provincial director na kinukulang na ng pondo ang mga rebeldeng NPA kaya tuwing eleksyon sila nagsasagawa ng operasyon upang makalikom ng pondo.

Sinabi pa ni Lirazan na sa kanyang pakipag-usap sa ilang sumukong mga rebelde, kinumpirma ng mga ito na tinatakot nila ang mga kandidato sa tuwing halalan lalo na sa lalawigan ng Negros Occidental upang magbigay ng access fee sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply