Mga residente nakaalerto sa pagtaas ng tubig sa Marikina River

NAKAALERO na ngayon ang mga residenteng naninirahan malapit sa Marikina River nang tumaas ang tubig sa naturang lugar.

Ayon sa Marikina City Public Information Office umakyat na sa 15.2 meters ang water level sa ilog ng Marikina.

Sakaling tumaas pang lalo ang lebel ng tubig ng ilog ay tiyak na babahain ang Barangay Malanday, Tumana at Nangka.

Samantala, pinayuhan na rin ng awtoridad ang mga residente na malapit sa La Mesa Dam sa Quezon City ngayong umaga  na maghandang lumikas sa mas ligtas na lugar dahil ang nalalapit na pag-apaw ng water level sa dam

Sinabi ni Wilfredo Espeneda, officer of the day sa La Mesa headworks, na ang dam na nasa yellow alert dakong 6:00 nga umaga nang umabot sa 79.34 meters ang lebel ng tubig nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply