Mga residenteng apektado ng 7.7 na lindol, nakauwi na

MATAPOS kaselahin ang tsunami alert level 3, nagsibalik na sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng lumikas kagabi matapos ang malakas na lindol na tumama sa Guian, Eastern Samar.

Sinabi ni NDRRMC Exec. Dir. Benito Ramos – na nagpalipas muna ng magdamag ang mga residente sa mga evacuation center at simula ngayong umaga ay umuwi na rin ang mga ito sa kanilang mga bahay

Maliban sa ilang insidente ng sunog na naitala sa Agusan Del Sur at Surigao City at pagkasira ng tulay sa Eastern Samar dulot ng malakas na lindol kagabi – isang gusali sa Butuan City ang bumigay.

Partikular dito ang establisyementong inuupahan ng Je Tech Telecom Cellphone Repair Center.

Napag-alaman na matagal na ring naitayo ang naturang gusali kaya naapektuhan ito sa pagyanig bunsod ng may kalumaan na rin ito.

Maliban sa bumigay na establisyemento, nasira ang ilang mga tiles at bubungan ng Prince Hotel na siyang pinakamataas na gusali sa lungsod dahil pa rin sa pagyanig.

Samantala, patuloy ang pagsasa-ayos ng mga linya ng kuryente sa Socorro at Island, Surigao Del Norte matapos maranasaa ng malawakang brown out sa lugar dahil sa lindol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply