Mga sakahan sa Bohol, apektado ng El Niño

MALAKI ang posibilidad na bumaba ang antas ng ekonomiya sa bansa makaraang maapektuhan ang mga sakahan sa Bohol dulot ng El Niño phenomenon.

Nabatid mula kay Department of Agriculture (DA)secretary Proceso Alcala bagama’t may pag-ulan sa ibang lugar, tatlong linggo nang hindi umulan sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Alcala, tumawag na sa kanya si Bohol Governor Edgar Chatto at umaapela ng tulong para sa mga magsasaka.

Sinabi ng kalihim na nagsagawa na ng cloud seeding operation ang ahensya sa Bohol para bahagyang makatulong sa suliranin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply