Mga Senador na-imbyerna sa sagutang Enrile-Trillanes

HINDI nagustuhan ng karamihan ng mga senador ang naging banganyan nina Senator. Antonio Trillanes at Senate President Juan Ponce Enrile.

Sinabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto na malaking pagkakamali ang nagawa ni Trillanes nang atakehin nito si Enrile.

Binigyang diin ni Sotto na kahit matagal na siya sa Senado, ngayon lang siya nakarinig ng naturang akusasyon.

Hindi, aniya, masisisi si Enrile kung sumagot at depensahan nito ang kanyang sarili.

Dapat na umanong ayusin nina Enrile at Trillanes IV ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

Sinabi rin ni Congressman Rodolfo Biazon higit na magiging maayos sana kung isang spokesman lamang ang nagsasalita sa publiko patungkol sa territorial dispute sa China at ito ay ang Department of Foreign Affairs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply