Mga sundalo sa mga eskwelahan, malapit nang ipagbawal

MALAPIT nang ipagbawal ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagtatayo at pananatili ng mga military detachment sa mga eskwelahan.

Matapos ang pakikipagharap sa mga kinatawan ng katutubo, ipagbabawal na rin ni Kalihim Armin Luistro ang mga kontra-insurhensiyang mga pagpupulong sa mga paaralan.

Ito ang inanunsiyo ni ACT Teachers’ Party Antonio Tinio na sumama sa pagdulog ng reklamo ng mga katutubo sa punong tanggapan ng kagawaran sa Lungsod ng Pasig.

Ayon kay Tinio, ang mga batang mag-aaral ang nawawalan ng lugar sa mga eskwelahan dahil sa presensiya ng mga sundalo at naglalagay din sa kanila sa kapahamakan.

Pinaalalahanan din ni Tinio ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na igalang mga batas na nagsasabing bawal ang mga armado sa mga sibilyan na institusyon katulad ng mga paaralan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply