Mga taong sutil at pasaway

SA pananalasa ng mga kalamidad sari–saring sakit ang maaaring lumabas na makapagdudulot ng kapahamakan sa mga tao.

Bukod sa mapanirang resulta ng bagyo at pagbaha sa ating buhay, may isa pang dulot na malubha ito sa lahat, at ito ay ang pagkalat ng iba’t  ibang uri ng sakit.

Dahil sa pagbaha di  biro–birong dami ng basura ang nagkalat at nagiging dahilan ng pagbabaha sa mga kanal, estero maging sa mga ilog at karagatan. Sa kabila nito ay ginagawang paliguan ng ibang tao lalo na ng  mga kabataan ang maruruming bahagi ng mga katubigan na nagsulputan dahil sa pagbaha. Walang pandidiri nilang nilulusong ang maruming tubig, ‘di man lang nila naiisip na ang maruming tubig ay puno ng mikrobyo na magiging dahilan ng iba’t ibang uri ng pagkakasakit tulad ng sakit sa balat, at sakit sa loob ng katawan.

Sa kasalukuyan lalong dumarami ang nagkakasakit ng pangunahing karamdaman na dulot ng pagbaha, ito ay dahil sa ihi ng daga na nahahalo sa tubig. Ang sakit na naturan ay ang “leptospirosis” na nakamamatay kapag ‘di  naagapan.

Subalit, sa kabila ng babala ng mga kinauukulan ay patuloy pa rin sa pagdami ang nagkakasakit, dahil na rin sobrang katigasan ng ulo ng mga tao, gayundin sa kanilang pagsasawalang bahala sa paalala na ibinibigay ng mga taong may kinalaman sa pagsisikap na protektahan ang balana, upang makaiwas sa mga sakuna at pagkakasakit na maaaring magresulta sa kamatayan.

Putulin na ang katigasan ng ulo at pagsasawalang bahala sa mga nangyayari, para makaiwas sa kapahamakan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply