Mga trapo at sumira sa partylists, kinondena

WALA na bang iba?

Ito ang pagtatanong ngayon ni Bayan Muna Party-list Rep. Teddy Casiño matapos maglabas ang United Nationalist Alliance (UNA at Liberal Party ng mga pangalang bubuo sa kanilang senatorial slate.

Pinuna ng kongresista ang dekada ng panunungkulan ng mga prominenteng politico at mayayamang pamilya sa Pilipinas na pati, aniya, ang sistema ng partylists ay binalahura na ng mga trapos.

“This is one of the reasons why I am emboldened to run; we need someone new in the Senate. Someone who can represent the common tao, especially the poor and marginalized sectors.”

Nabigo rin, aniya, ang maraming trapo at kandidato na iangat ang buhay ng milyong Pinoy kung kaya ang mga lider-politika ay walang karapatan muling maipwesto.

“I don’t come from a political clan. I’m not rich. Nor am I a showbiz or media personality. This is precisely the point of my candidacy – that we need someone new, someone with a fresh outlook who can be the voice of the ordinary folk in the Senate.”

Samantala, hinamon naman ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang Commission on Elections (COMELEC) na magpakatotoo sa paglilinis sa partylists.

Tanggalin na, ayon kay Mariano, ang mga bogus na partylists na sinamantala lamang ng mga trapos at mga prominenteng angkan sa larangan ng politika.

“Landlords cannot represent farmers, business owners cannot represent workers, veteran politicians cannot simply proclaim themselves as representatives of marginalized sectors. Conflict of interests will always go in the way of public service,” giit ni Mariano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply