Mga welder mula sa CamSur, magtatrabaho sa Australia

NAGA CITY – Mahigit kumulang 59 maghihinang (welders) mula sa lalawigan ng Camarines Sur ang magtratrabaho sa bansang Australia.

Ayon kay Sha Torallo, hepe ng Camarines Sur Employment Center (CSEC), may mga nauna ng grupo na umalis papuntang Australia upang maghanapbuhay at makatangap ng malaking sweldo.

Dalawapung welders sa unang grupo at karagdagang 39 sa ikalawang grupo. Ang mga ito ay sumailalim sa mahigpit na pagsasanay ng ELJARS Skilled Training Center.

Ang mga pumasang aplikante ay kasalukuyang naghahanda na ng kanilang mga kakailanganing papeles upang makapag trabaho sa bansang Australia.

Noong nakalipas na Lunes, nakumpleto na ng CSEC sa kapitolyo ng Camarines Sur ang 59 nang bilang na welders.

Maraming aplikanteng welder ang humiling sa nasabing oportunidad na ito kung kaya’t ipagpapatuloy pa ang mga training na programa ng gobyerno lokal ng Camarines Sur at ng ELJARS para sa mga welders.

Pwedeng umabot din sa 300 na welders ang posibleng mabigyan ng lokal na pamahalaan ng pagkakataon na makaalis ng bansa para maghanapbuhay dahil sa pagbibigay ng pagsasanay ng iba’t ibang recruitment agencies na bumisita sa lalawigan.

Bukod sa mga pagsasanay na ginagawa, binabayaran din ng Camarines Sur ang barrier test ng mga aplikante upang makakuha ng Competency Certificate . Sagot din nito ang bayad sa medical examination, transportasyon, at meal allowance.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply