Mikey no show sa tax evasion case

HINDI umano lumutang si Ang Galing Partylist Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo sa unang pagdinig ng kanyang tax evasion case na isinampa sa court of Tax Appeal ng Bureau of Internal Revenue .

Tanging ang abogado lamang ng batang Arroyo na si Atty. Alberto Ruy Rondain ang sumipot sa hearing kaugnay ng 3-counts na tax evasion case ng kanyang kliyente

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang hearing sa Court of Tax Appeal sa harap ni First Division Associate Justice Esperanza Fabon Victorino

Matatandaang sinampahan ng humigit-kumulang sa P74-milyong tax evasion case ang batang Arroyo dahil sa umanoy kabiguan nitong magbayad ng tamang buwis noong taong 2007, 2008 at taong 2009

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply