Militante humiga sa kalsada, nagdulot ng trapiko sa Edsa

HUMIGA sa gitna ng kalsada ang mga militante sa gitna EDSA northbound lane sa Quezon City na nagdulot ng pagbigat ng trapiko kaninang umaga.

Bandang -alas-10:00 ng umaga nang humiga ang may 50 miyembro ng grupong Kadamay kasama ang ilang residente ng North Triangle sa gitna ng kalsada bago dumating ng Trinoma Mall.

Dahil dito, hindi na makadaan ang mga sasakyan at walang nagawa ang mga pulis kundi patapusin na lamang ang isinasagawang demonstrasyon ng mga militante.

Ito ay bilang paggunita ng mga grupo sa ikalawang taong anibersaryo ng marahas na demolisyon sa naturang lugar kung saan humambalang din noon sa EDSA ang daan daang residente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply