Bakbakan ng militar, NPA sa Capiz sundalo utas

NASAWI ang isang sundalo makaraang magkasagupaan ang militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Tacayan, Tapaz, Capiz kaninang umaga.

Kaagad na isinugod sa ospital  Roxas City  si Pvt Maximo Macolbacol, 26, ng San Remegio, Antique ngunit binawian din ng buhay.

Ayon kay Maj. Enrico Gil Ileto, spokesman ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army (PA), naganap ang sagupaan habang nagpapatrolya ang 14 na mga sundalo sa pangunguna ni Sgt. Silvestre.

Nabatid pa na araw-araw nagpapatrolya ang militar sa  lugar ngunit kaninang umaga ay nakatanggap sila ng impormasyon na naroroon ang  mga armadong grupo na pinaniniwalaang mga rebelde.

Kaagad namang nagresponde ang mga sundalo ngunit sinalubong sila ng mga putok ng baril hanggang sa tinamaan si Macolbacol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply