Milk Code ng Pilipinas, planong distrungkahin

PLANONG amyendahan ng mga mambabatas sa  Kamara de Representante ang isang polisiyang nakakatulong sa pamilyang Pilipino.

Ito ang pangamba ng Gabriela Women’s Party sa paghahapag ng amyenda sa Executive Order 51 o ang Milk Code ng Pilipinas.

Ayon sa EO 51, patakaran ng gobyerno na isulong ang pagpapasuso o breasfeeding para sa kalusugan ng mga sanggol.

Ngunit balak ipasok ng ilang kongresista ang ilang paurong na probisyon sa naturang batas upang paboran ang mga kumpanyang nagmamanupaktura ng infant formula, ayon kay Gabriela congresswoman Luz Ilagan.

Kung malilinlang ang maraming ina na gumamit ng infant formula imbes na pagsumikapang magpasuso, nangangahulugan ito ng bilyon-bilyong tubo sa mga kumpanya ng gatas at ibayong kahirapan sa mga nanay, paliwanag ni Ilagan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply