Minaltratong maid nasa WPP na

ISINAILALIM na sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice si Bonita Baran ang kasambahay na minaltrato ng mag-asawang Analiza at Reynold Marzan.

Ayon kay Justice Undersecretary Fransisco Baraan, positibo naman ang resulta ng aplikasyon ni Baran sa WPP, gayunman tumanggi ang opisyal na tukuyin kung sa full o partial coverage saklaw si Baran.

Nabatid na si Baran ay nasa safehouse na ng WPP.

Una nang naghain si Baran ng aplikasyon sa WPP ng DoJ noong Lunes kasama ang hepe ng Public Attorneys Office na si Atty Persida Acosta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply