Minero umiwas malunod sa tunnel, kumapit sa kawad ng kuryente, todas

HINDI man nalunod sa malalim na tubig sa ilalim ng tunnel, namatay naman ang isang minero matapos  itong makuryente sa lalawigan ng Masbate nitong September 6, ng hapon.

Namatay agad sanhi ng malakas na boltaheng pumasok sa katawan ang biktimang si Pancho Ruga, 32-anyos,  residente ng Sitio Gintong Araw, Barangay Panique sa bayan ng Aroroy sa nasabing lalawigan.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naganap ang dakong -3:00 kamakalawa ng hapon sa loob ng isang minahan sa nasabing barangay.

Bago ito,  naghuhukay ang biktima at ilan sa kanyang mga kasamahan sa ilalim ng naturang tunnel nang biglang tumaas ang tubig.

Sa kalituhan, aksidenteng napahawak ang biktima sa isang live wire.

Binawian naman agad ng buhay si Ruga na naiahon din naman agad mula sa 450 talampakang lalim ng tunnel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply