Miriam, gumanti sa Senado, sesyon binoykot

MUKHANG tumitindi ang tampo ni Senador Miriam Defensor-Santiago kay Senate President Juan Ponce Enrile at kasamahan matapos tiyakin na hindi ito dadalo sa nalalabing sesyon ng Senado sa buwan ng Setyembre bilang ganti sa pananabotahe sa kanyang pagdinig.

Sa panayam, sinabi ni Santiago na hindi na siya dadalo sa huling mga araw ng sesyon ng Senado upang maipakita ang kanyang ‘galit’ sa kasamahan.

“Tit for tat. If they snub my hearing, I will snub their session,” ayon kay Santiago.

Kasabay nito, tiniyak ng senadora na dadalo siya sa session ng Commission on Appointments (CA) sa araw ng Miyerkules kung may dadalong miyembro ng gabinete para harangin ang kanilang kumpirmasyon.

“If a cabinet member who snubs my hearing is presented for confirmation this Wednesday, I will attend the confirmation hearing to cast a veto, to fulfill my promise that I shall veto all cabinet members who were invited, but snubbed me,” banta pa ng senadora.

Iginiit ni Santiago na mayroong sabwatan sa pagitan ng mga cabinet members at ilang senador dahil magkahalintulad ang dahil ni Exec. Sec. Paquito Ochoa at ilang mga senador sa pag-question sa proseso ng imbestigasyon nito.

“The Malacañang letter raises the issue of a lack of resolution passed by the plenary session. This is exactly the same issue raised by Senate President Juan Ponce Enrile and Sen. Panfilo Lacson. I have already pointed out, for their education, that several provisions in the Senate Rules and the Senate rules concerning inquiries in aid of legislation strongly imply that there is no need for a formal resolution, if the committee has competent jurisdiction,” giit pa ni Santiago.

Nabatid na naglabas ng hinaing ang senadora dahil maliban sa kinukuwestyon ng kanyang kapwa senador ang proseso ng kanyang imbestigasyon ay halos wala pang dumalo mula sa kasamahang senador maliban lamang kina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Koko Pimentel.

Hindi rin dumalo ang mga miyembro ng gabinete na sina incoming DILG Sec. Mar Roxas, DENR Sec. Ramon Paje at Justice Sec. Leila De Lima na pawang hindi pa isinasalang sa CA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply