Miriam: Mga kaanak ni Puno nasa juicy position

HINDI na nagtataka si Sen. Miriam Defensor-Santiago na masasabit si dating Interior and local government Undersecretary Rico Puno sa kawalan ng pagkilos upang masugpo ang jueteng dahil lima sa kaanak nito ang naitalaga sa “makakatas” na posisyon sa gobyerno.

Sa ginanap na pagdinig ngayon, sinabi ni Santiago na may natanggap siyang anonymous email na nagsasabing nagawang naipatalaga ni Puno ang kanyang malalapit na kaanak sa mahahalagang posisyon sa gobyerno.

Binasa ni Santiago ang nilalaman ng naturang email.

Ayon kay Santiago, nakatakdang italaga si Puno sa Bureau of Customs (BoC) kapalit ng kanyang pinsan, si Deputy Commissioner Horacio Suansing na nakatakdang magretiro sa Disyembre 2012.

Sinabi ng liham na nakatalaga sa iba’t ibang posisyon ang mga kaanak ni Puno sa gobyerno na sina Romina Puno, kanyang anak, sa Bureau of Immigration; Patrick E. Puno, kapatid bilang VP for Finance and Procurement sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR); Adolfo Escalona, pinsan, na umuupong Executive Director sa Road Board sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH); Marco Puno Santiago, pamangkin na naitalaga bilang assistant secretary sa Presidential Legislative Liason Office (PLLO) na hinihinalang kumakausap sa mga road projects ng mga mambabatas at Ma. Angela Escalona Ignacio, pamangkin na naitalaga bilang commissioner sa isang sub-agency ng Department of Finance (DoF).

“Madame Senator, please disclose this to the public, Rico Puno has been badmouthing you and your husband, Usec Jun. He has been telling incredible tales about you, your husband’s gambling habits, and your alleged anomalous projects and dealings in your husband’s province,” ayon sa liham.

“Please investigate this person, for the sake of the Filipino people,” patapos ng liham.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply