Misis kritikal sa magnanakaw

KRITIKAL ang isang misis matapos pagsasaksakin ng sinasabing magnanakaw sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Medical Center si Maylene Eladro y Garcia, 28,  ng 4rth Avenue ng  lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jackman ng nasabi ring lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, nagising ang biktima nang maramdaman na may tao sa kanyang kuwarto at pagmulat ng mata ay nakita ng suspek.

Agad na tinakpan ng suspek ang bibig ng biktima bago pinagsasaksak. Nagising din ang pamangkin ng ginang na si Troy Martin Villegas, 9-anyos, na mabilis na nakalabas ng bahay at nakahingi ng tulong.

Pagdating ng mga sasaklolo ay wala na ang suspek at nang makita ang duguang biktima ay agad na dinala sa nasabing pagamutan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente at inaalam kung may natangay ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply