Misis naholdap ng 6 na kelot sa Navotas

NAHOLDAP ang isang misis na sales assistant ng anim na hindi pa kilalang lalaki habang ang una ay naglalakad sa Navotas kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Ruby Naval, 31 ng M. Naval St., San Roque ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek at tinutukan ng balisong.

Dahil dito, hindi nakapalag at natangay ng mga suspek ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng P12,000 cash at cellphone.

Pagkatapos ang panghoholdap, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima subalit hindi na nakita ang mga suspek.

Inaalam na kung anong grupo ang nakabiktima kay Naval.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply