Misis ni Koko, ka-live-in na ni Golez

“WALA akong pakialam sa kaimoralan na kanilang ginagawa!”

Ito ang galit na sagot ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III  sa tanong na kung alam na niyang nagsasama na sina Bacolod Congressman Anthony Golez at ang kanyang misis na si dating Binibining Pilipinas-Universe Jewel May Lobaton.

Si Lobaton ay 12 taon ding naging misis ni Pimentel at mayroon silang dalawang anak na lalaki.

Lumabas ang balita nang bawiin umano ng misis ni Golez na si former Sulu Rep. Soraya Jaafar ang bahay na tinutuluyan ng congressman na ngayon ay may isinampa ring kaso laban sa kanyang mister.

Matatandaan na nauna nang naging laman ng mga blind item sina Golez at misis ni Pimentel na pinabulaanan naman ng congressman ng Bacolod matapos makitang madalas na magkasama sa mga restaurants sa labas ng Metro Manila.

Oktubre rin nitong nakaraang taon nang magkasamang pinasinayaan nina Lobaton at Golez ang P32-million renovation ng Bacolod National High School para maging world-class sports and special events center

Unang inamin ni Pimentel ang pakikipaghiwalay sa kanyang misis na sinundan naman ni Golez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply