Misis patay sa diarrhea, 2 anak naospital

TODAS ang isang ina habang patuloy pa ring ginagamot sa isang ospital ang dalawang
anak nito makaraang madale ng diarrhea.

Nakilala ang namatay na si Angie Lanang at ang kanyang dalawang anak na nasa ospital na sina  Denise at Christoper, pawang ng Barangay New Launion, Maitum, Sarangani province.

Base sa ama ng tahanan, namatay ang misis nito dahil sa pananakit ng tiyan at diarrhea.

Nabatid pa na mayroon pang mga nakaranas ng diarrhea ngunit hindi na nagpagamot pa sa ospital.

Ang mga biktima ay nakatira sa tabi ng Pangi river kung saan pinaniniwalaang nagmumula ang iniinom na tubig ng nasabing pamilya.

Kasalukuyan namang inaalam ng awtoridad ang tubig na iniinom ng mga biktima kung kontaminado ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply