Mister, anak, ka-live-in kritikal sa pamamaril sa Cavite

INAALAM pa ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaril sa tatlong miyembro ng isang pamilya na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ni Dasmariñas Police Chief Ulysses Cruz, ang mga biktimang sina Felix De Guzman, anak niyang si Jenna Marie De Guzman, 16-anyos; at sekretarya ng una na si Desiree Ocampo, umano’y kinakasama rin ni De Guzman.

Batay sa impormasyon sina De Guzman at Ocampo ay kapwa nagtatrabaho sa Bureau of Customs (BOC).

Nilalapatan ng lunas sa Metro South Hospital ang matandang De Guzman at sekretarya nito habang nasa Emilio Aguinaldo Hospital ang sugatang dalagita.

Sa ulat, tatlong tama ng saksak ang natamo ni Ocampo habang tama ng baril sa ulo ang tumama sa matandang De Guzman.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay, may narinig silang mga putok ng baril bandang alas-5:00 ng madaling araw at  nakitang nakahandusay na si Mang Felix.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng .9mm pistol at kalibre .38 na rebolber na nasa bag umano ni Ocampo.

Isa sa tinitignang motibo sa pamamaril ay pagnanakaw dahil nagkalat ang mga gamit ng mga biktima sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply