Mister durog sa tren sa Taguig

PUTOL ang magkabilang hita at kanang braso ng 50-anyos na mister nang masagasaan ng commuter train kanina sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Rolando Bustamante, sanhi ng grabeng pinsala sa nangyaring trahedya.

Sa ulat, nakaupo at nag-aabang ng masasakyang jeep sa isang terminal sa East Service Road sa gilid ng riles ng train sa Western Bicutan ang biktima, kasama ang misis na si Elizabeth alas-3:30 ng hapon kanina upang umuwi na sa kanilang tirahan sa Sitio Masagana, Western Bicutan nang tumayo ang lalaki upang umihi malapit sa paradahan ng tricycle.

Bigla umanong nahilo ang biktima at natumba sa mismong riles kung saan nagkataon namang parating ang isang commuter train patungong Laguna na naging dahilan upang magulungan ang dalawa niyang binti at kanang braso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply