Mister patay, 2 anak sugatan sa pananambang

DALAWANG bala ang tumapos sa buhay ng isang mister nang tambangan siya ng dalawang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Tony Piang, 40, habang malubhang nasugatan naman ang dalawang anak nito.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Rex Diongon, ng Makar police station, angkas ng biktima ang kanyag dalawang anak para ihatid sa eskwelahan nang maganap ang panaambang sa diversion road sa Barangay Sinawal.

Nabatid na dalawang bala ng kalibre .45 ang tumama sa biktima na tumagos sa suot nitong helmet.

Ayon pa sa pulisya, malaki ang posibilidad na alitan sa ari-ariang lupa ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

Napag-alaman na ang biktima ay kapatid ng isang Anna Paglangan na isa sa mga umaangkin ng ancentral land sa nasabing lungsod.

Ginagamot ngayon sa General Santos City Doctors Hospital ang dalawag anak ng napaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply