Mister tinarakan ng bayaw, tigok

TODAS ang isang mister matapos saksakin ng lasing nitong bayaw sa Riverside East Brgy. Potrero Malabon City, kagabi (Setyembre 23).

Dead on spot si Quie Camul y Andana 29, ng 37 Riverside East sanhi ng isang malalim na saksak sa dibdib.

Kusa namang sumuko sa awtoridad ang salaring si Edwin Tiboy y Basanez 43, bayaw at kasambahay ng biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:oo ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid na nagalit ang suspek matapos magsumbong ang anak nito na umano’y binatukan siya ng kanyang tiyuhin (biktima) na agad namang inalmahan ng huli.

At dahil lasing na lasing ang suspek nang komprontahin ang bayaw ay humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa masaksak ang biktima.

Tumakas muna ang suspek subalit nang mahimasmasan at mawala ang pagkalasing ay kusa itong sumuko sa pulisya,

Pormal na sinampahan ng kasong homicide ng mga awtoridad ang suspek sa piskalya ng Malabon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply