Mister umuwing lasing, sinilaban ni misis, malubha

PATAWIRIN ang isang mister makaraang sabuyan ng gasolina at silaban ng kanyang misis nang umuwi ito ng madaling araw dahil sa pakikipag-inuman sa mga kabarkada.

Nabatid na galit na galit ang misis ng biktimang si Canor Ojamula, 50, residente ng New Argao, Malita Davao del Sur nang umuwi itong pasado alas-12:00 na at lasing.

Nagtalo ang dalawa at nang umupo si Canor at nanigarilyo ay biglang siyang sinabuyan ng gasolina at pagkatapos ay sinindihan ng kanyang maybahay.

Nagsisigaw ang biktima, nagtatakbo at tumalon sa isang malapit na fishpond.

Narinig naman ng mga kapitbahay ang sigaw ni Canor na agad namang tumulong at itinakbo ito sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City.

Patuloy pa ring inoobserbahan ang biktima makaraang magtamo ng second degree burn.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply