Mister utas, suspek, 1 pa sugatan sa pananaksak

PATAY ang isang padre de pamilya habang dalawa pa ang sugatan kabilang ang anak ng una sa pananaksak sa San Andres Bukid, Maynila, kagabi (Setyembre 24).

Idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang nasawi na si Zosimo Magura, 49, karpintero ng 2525 Radium St., ng nasabing lugar.

Habang malubhang nasugatan at nilalapatan ng lunas sa nasabing ospital ang anak nitong babae na si Melissa Magura, 25, may live-in partner at nakatira rin sa naturang lugar.

Sugatan rin ang suspek na si Nelson Navarro, 42, promodizer at residente rin sa lugar.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng mga biktima.

Nauna rito, katatapos lamang umanong mag-inuman ang mag-amang biktima nang puntahan ng live-in partner ng suspek na nakilalang si Salvacion sa kanilang bahay at niyayang uminom.

Nang makatapos ng ilang bote ng beer ay inihatid ng biktimang si Melissa si Salvacion sa kanilang bahay kung saan inabutan nila ang suspek na naghihintay.

Dito na kinumpronta ng suspek si Melissa hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaksak ni Navarro kay Melissa sa tiyan.

Nakita naman ng ama ni Melissa ang pangyayari at tinangka nitong awatin ang suspek ngunit maging siya ay sinaksak din sa dibdib at tiyan.

Bamaga’t sugatan na si Zosimo ay nagawa pa nitong tumakbo pauwi at kinuha ang kanyang jungle bolo at pinagtataga ang suspek dahilan upang magtamo ng mga sugat sa katawan.

Ang tatlo ay pawang itinakbo sa nasabing pagamutan ng mga opisyal ng barangay ngunit hindi na naisalba pa ng mga doktor si Zosimo dahil sa tinamong tama ng saksak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply