Miyembro ng Bahala na Gang utas sa parak

PATAY ang isang miyembro ng Bahala na Gang habang nakatakas naman ang kanyang kasama nang makipagpalitan ng putok sa pulisya sa Tondo, Maynila kagabi.

Hindi na umabot pa nang buhay sa Tondo General Hospital dahil sa tama ng bala sa kaliwang noo at dibdib ang suspek na inilarawan nasa edad 35, may tattoo ng Bahala na Gang sa dibdib, nakasuot ng pulang sando at short pants.

Nakilala naman ang nakatakas na si alyas Tikyo, dating caretaker ng biktimang si George Patino.

Ayon kay PO3 Henry Navarro, dakong alas 8:45 kagabi nang maganap ang insidente sa Road 10 Session Road Pacheco at Chesa St sa Tondo

Napag-alaman na kinakausap ng mag-live in partner na sina Nezielyn Lapuz, 38,  ng 401 A Int 5 Perla St. Tondo at George Patino si Tikyo at pinakukuha na ang sinanla nilang motorsiklo (Rusi Rider 25cc) sa kaibigan ng huli.

Gayunman, nang maibigay na ni George ang kabayarang P3,150 kay Tikyo ay hindi na bumalik.

Nairita naman si George kaya tinext nito si Tikyo ng hindi magandang salita at nang bumalik ang huli ay kasama na ang namatay na suspek na may dalang shot gun at tinangkang barilin ang maglive-in.

Mabilis namang nakatakbo ang dalawa at nakahingi ng responde sa mga operatiba ng MPD Station 1.

Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa sa mga pulis ang suspek na nagresulta sa pagkamatay ng isa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply