Miyembro ng Budol-budol gang timbog

ARESTADO ang isang miyembro ng Budol-budol gang sa ikinasang entrapment operation sa Malabon City kaninang mdaling araw.

Kinalala ang suspek na si Jonathan Viray y Santos, 35 at taga-212B Enriquez St, Ubando Bulacan.

Ayon sa ulat dakong ala 1:00 ng madaling araw ng isagawa ang entrapment operation sa bahay mismo ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang katulong ni Mrs. Lourdes Cayetano na si Mylen Cruz, 24, mula kay Viray na humhingi ng pera at alahas pambili ng gamot at pambayad sa ospital dahil sa naaksidente ang kanyang amo na si Manolo Cayetano.

Agad na nakumpirma ni Cruz sa kanyang among babae na hindi naaksidente o naospital si Mr. Cayetano.

Dahil dito, agad nakipag-ugnayan si Gng. Lourdes Cayetano sa pulisya at ikinasa ang oprasyon laban sa suspek.

Lingid sa kalaman ng suspek ay may mga awtoridad na nagmamasid.

Nang kunin ng suspek ang dalawang gold bracelet, isang neclace at P52.000 cash ay agad itong dinamba ng mga awtoridad.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung anong grupo ng sindikato ang kinaaniban ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply