Miyembro ng ‘Dennis Lanuza’ gang, timbog

TAGUIG CITY – Tiwala ang mga awtoridad na mahuhulog sa kamay ng batas ang sinasabing mastermind ng mga pandarambong ng mga sasakyan at panloloob sa mga bahay at establisimento na nangyayari sa ibat-ibang lugar ng naturang lungsod.

Ito ay makaraang mahuli sa joint operations ng Intell/AnCar, PCP3 at PCP2, ang isa sa mga miyembro ng pinaniniwalaang notorious group noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala nina apprehending team leaders PC Insp. Rey M. Viloria at PS Insp. Casan Ali ang supect na si John B. De Castro, 24, walang hanap-buhay at nakatira sa 41-B A. Reyes St., Purok 3, Brgy. Lower Bicutan.

Sinabi ni Viloria na dakong alas 10:30 ng gabi, matapos tiyakin ang katotohan sa likod ng isang info-text na kabilang umano si De Castro sa grupo ni Lanuza na sangkot sa mga nakawan ng sasakyan at panloloob ng mga bahay sa Taguig ay agad nilang sinalakay ang lugar na pinagtataguan nito.

Agad na binitbit ng mga awtoridad si De Castro ng matagpuan sa mismong tinutuluyan nito ang isang stolen vehicle na blue 125 XRM Honda na may plakang 5197 NP.

Nang mahuli, sinabi ni De Castro sa mga awtoridad na isang nagngangalang Dennis Lanuza, 28, alyas “Dencio” ang namumuno sa kanilang grupo kung saan ay pinaghahati-hatian umano ng mga ito ang perang napagbilhan ng kanilang mga ninanakaw na sasakyan o kagamitan na nilimas sa loob ng isang pamamahay.

Nahaharap sa kasong robbery ang ikinulong na suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply