Miyembro ng Estrada KFR gang, arestado sa Dagupan

DAGUPAN CITY – Inaresto kahapon ng pinagsanib Calasiao, Pangasinan Philippine National Police at Northern Police District (NPD) ang isang number 4 most wanted person sa nasabing lalawigan.

Sa tinanggap na report ng Remate, sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Victoria Isabel Paredes, ng National Capital Region (NCR) Branch 124, nasukol ang suspek na kinilalang si Alejandro de Vera, isang member ng Estrada kidnap-for-ransom gang.

Ayon sa police report, si De Vera ay sangkot sa pagdukot kay Rubielyn Chua, 14-anyos, Elsa Menorea at Comrado Cadavos, noong February sa taong 2005 sa Caloocan City.

Sa report, humingi umano ang suspek ng hindi pa malamang ransom money upang pakawalan ang mga kidnap victims.

Isang impormante sa Calasio, Pangasinan ang nagbigay ng impormasyon sa mga police sa kinaroroonan ng suspek.

Ang mga suspek ay nadakip ng NPD police sa pamumuno si Senior Inspector Allan Emlano at Calasio police sa harap ng Inn Asia Hotel, sa Barangay Banaoang, sa Calasio.

Ang suspek ay ibinalik sa NCR upang sagutin ang kasong isinampa laban sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply