Modus na pagpapanggap na pulis binabantayan ng PNP

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga pekeng pulis na sumisira sa imahe ng mga alagad ng batas, ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Spokesperson General Generoso Cerbo na patuloy ang kampanya ng kapulisan laban sa krimen matapos ang lumulobong bilang ng krimen sa buong bansa at ang isa sa mga bagong modus operandi ay magkunwaring pulis.

Ayon kay Cerbo, may nagaganap na naturang modus operandi na nagkukunwaring pulis ang mga masasamang loob sa mga checkpoint at iba pang lugar sa labas ng kanilang tanggapan upang makapambiktima ng mga inosenteng mamamayan.

Dahil dito, tiniyak ni Cerbo na magsasagawa sila ng panibagong protocol para sa mga personnel na naka-assign sa labas ng kani-kanilang mga istasyon ganoon din ang mas malawak na police visibility.

Nauna rito, may kampanyang “DARE” ang PNP na Detect-Avoid-Report-And-Escape na isang anti-crime strategy upang kontrahin ang paglaganap na krimen hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply