Mortal na magka-away nagkrus ang landas, 1 todas

NAMATAY ang isang pedicab driver nang mag-krus ang landas ng kanyang mortal na kaaway matapos itong pagbabarilin kaninang madaling araw sa Pasay City.

Sunod-sunod na putok ang kumitil sa buhay ng biktimang si Nomer Ambrocio alyas “Taguro”, 34 anyos, residente ng Tripa de Gallina, Brgy. 46 Zone 6 ng naturang lungsod.

Nakatakas ang suspek na kinilalang si Ricky Basas, residente ng No. 1824 Tripa de Gallina dala ang baril na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Giovanni Arcinue may hawak ng kaso ng Criminal Investigation Division(CID), ang insidente ay naganap bandang ala:1:05 ng madaling araw malapit sa bahay ng biktima sa Tripa de Gallina habang ipinaparada ng biktima ang kanyang pinanghahanapbuhay na pedicab.

Dahil matagal na umano ang kanilang alitan, inabangan ng suspek ang biktima at walang kamalay-malay ang biktima na nasa likuran na nito ang mortal na kaaway.

Itinutok umano ng salarin ang dalang baril na 9 mm pistol at magkakasunod na putok ang umalingawgaw sa paligid at tumimbuwang ang duguang katawan ng biktima sa naturang lugar.

Sa nakalap na ulat ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, lumalabas na ang suspek at ang biktima ay may matagal ng alitan na nagsimula pa noong 2008 at nang mangka-krus ang kanilang landas ay nauwi sa patayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply