Motor rider nasalpok ng trak, tumilapon, tepok

BASAG ang ulo ng isang lalaki makaraang tumilapon nang mabangga ng isang dump truck ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Libis Quezon City at Marikina kaninang madaling araw.

Nabatid na binabagtas ng motoristang si Toto Elnedo ang Camp Atienza nang banggain ng truck ang likuran ng kanyang motor.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon si Elnedo at tumama ang ulo sa pader. Nagtamo ng matinding pinsala ang ulo ng biktima dahil walang suot na helmet.

Agad namang tumakas ang driver ng dump truck matapos ang insidente na kasalukuyang tinutugis na ng awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply