Motor, truck nagsalpukan, kelot todas

UTAS ang isang lalaki nang mabangga ng truck ang minamaneho niyang motor sa Sitio Pulang Lupa, Barangay Licomo sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Bong Sancandal Mohammad, 23, ng Barangay Tigpalay, Tungawan, Zamboanga Sibugay province.

Nabatid na galing sa Zamboanga Sibugay ang biktima na sakay ng Honda XRM 125 motorsiklo papunta sa syudad nang pagdating sa lugar ng insidente ay nawalan ng kontrol ang steering wheel ng Fuso truck na minamaneho naman ni Joel Esperat, ng Barangay Canelar ng lungsod kaya nabangga ang biktima.

Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang biktima na nagresulta sa grabeng sugat sa ulo kanyang ikinamatay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply