Motor, van nagsalpukan sa Capiz: 4 todas

TODAS ang apat katao kabilang ang isang dalawang buwang gulang na sanggol sa naganap na banggan ng isang motorsiklo at L300 van sa Barangay Esteban Pilar, Capiz.

Nasawi sina Nely Baclas, mag-asawang Ronilyn at Ruby Villa at kanilang dalawang buwang gulang na anak na babae.

Nabatid na sakay ng motorsiklo ang mga biktima na patungo sana sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng namatay na kaanak nang salpukin ng L300 van.

Umamin naman ang driver ng van na si Raffil Dador na mabilis ang patakbo niya sa sasakyan at nawalan ng kontrol kaya sumalpok sa motorsiklo.

Kusang loob namag sumuko sa Pilar police si Dador na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply