Motorsiklo nagsalpukan, 2 driver patay

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang dalawang driver ng motorsiklo na biglang nagsalpukan sa gitna ng lansangan sa Brgy. Natapian, Solana, Cagayan, ayon sa ulat pulisya kahapon.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ng PNP-Highway Patrol Group, kinilala ang dalawang nasawi na sina si Jonel Vidonia, security guard ng Brgy. Singsingan, Amulung  at Robert Aggabao ng Brgy. Maguiling, Piat.

Nabatid na binabagtas ng dalawang motorsiklo ang national highway sakop ng bayan ng Solana sa magkasalungat na direksyon ng bigla silang magkasalpukan. Dahilan upang tumilapon ang kanilang mga back rider na kapawa sugatan din.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang mga biktima subalit namatay din si Vidonia habang nilalapatan ng lunas sa loob ng Intensive Care Unit (ICU) ng St. Paul Hospital sa Tuguegarao City . Nalagutan naman ng hininga si Aggabao habang nasa operating room.

Muli nanawagan ng  Philippine National Police (PNP) sa lahat ng riders ng  mga motorsiklo na magsuot ng matibay na helmet para sa kanilang proteksiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply