Motorsiklo Xklusibo, 3 taon na

NAGDIWANG ng kanilang ikatlong taong anibersaryo ang Motorsiklo Xklusibo noong Agosto 19, 2012 sa Tagaytay International Convention kung saan mahigit dalawang libong riders galing sa iba’t ibang lugar ang dumalo.

Dumalo rin sa nasabing event ang mga anchor ng Motorsiklo Xklusibo gaya nina Edwin Go, Mr. Tom Yokingco, Mr. Nolan De Lumban, Ms. Alice Decolongon at Mr. Alvin Oandasan. Nagbigay sila ng speech upang magpasalamat sa lahat ng walang-sawang sumusuporta sa Motorsiklo Xklusibo.

Nagbigay din ng speech ang isa sa kanilang guest na si Police Supt. Peter Dionisio ng Highway Patrol Group upang paalalahanan ang mga rider na sumunod sa mga checkpoint.

Dumating din sa event si Mr. Al Camba ng Inside Racing Magazine kasama ang pitong Champion na riders na talaga namang nagbigay-saya sa mga dumalo.

Nagkaroon din ng raffles at games para sa mga rider na nagpunta sa pakikiisa ng Shell Advance, Zebra Helmets, FDR Tires. At ang naging highlight ng event ay ang pamimigay ng motorsiklo galing sa Suzuki, Kawasaki, Honda, PMR, Yamaha at Inside Racing.

Taos puso ang pasasalamat ng buong Motorsiklo Xklusibo sa mga walang sumuporta sa kanila gaya ng mga grupong A.R.M.A.S. ng Motorista, MRO (Motorcycle Rights Organization ) at RFAC (Ride For A Cause ). At sa kanilang media partner gaya ng Inside Racing Magazine, Motorcycle World, Motorcycle Magazine at Stoplight TV.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply