Motorsports CAN BE Dangerous

BILANG isang tagahanga ng karera at naging isang karerista rin dati, may mga nasaksihan na akong mga pangyayari na di masyadong maganda sa mata. Personal na rin akong nakaranas mismo ng aksidente sa race track na kung tawagin ay “racing incident.”

Ang ibig sabihin ng “racing incident” ay ang hindi sinasadyang pangyayari habang ikaw ay kumakarera. Karera man ng motorsiklo o kotse ay walang sinasanto ang mga ganitong pangyayari kung hindi ka handa. Kahit anong klaseng sport ay puede maging delikado naman kung tutuusin.

Pero ang aking nabanggit na salitang “handa” ay napaka importante.

Kotse man o motor ang iyong gustong ikarera, dapat ay paghandaan ito. May mangilan-ngilang mga racing schools dito sa Pilipinas o mga indibidual na taong nagtuturo nito. Una ay ang iyong kakayahan o skill sa napili mong karera.

Taon ang binibilang para paghandaan ang mga ito. Kasama na dyan ang pisikal na pagsasanay o fitness regimen, clean bill of health galing sa doktor, tamang dyeta sa pagkain, at higit sa lahat ay kung psychologically fit ka o nasa tamang pag-iisip. Lahat yan ay kailangan mo bukod sa iyong pagsasanay sa pagmamaneho ng iyong sasakyan.

Mapunta naman tayo sa equipment. Dito kabilang ang safety gears tulad ng body armor, racing shoes sa 4 wheels at boots para sa 2 wheels, racing suit, gloves, at neck support para sa mga bata.

Sa kotse naman ay medyo maraming kailangang ikabit para ito’y maging “race car.” Andyan ang roll cage, fire extinguisher, 4-point seatbelt (3-point sa pang araw-araw na sasakyan), HANS device (Head And Neck Safety) at racing suspension. Ito ay mga safety equipment.

Noong nakaraang Linggo sa Batangas Racing Circuit aking nasaksihan ang isang race car na lumipad at gumulong ng ilang beses bago tuluyang tumigil at lumapag sa damuhan. Pati windshield ay lumipad ng buo.

Buti na lang at hindi nakataob ang kotse nung tumigil. Ang race car driver na si dating Negros Occidental Rep. Charlie Cojuangco ay nanatiling kalmado habang hinihintay ang paramedics na sakay ng Lifeline ambulance. Fractured shoulder bone ang sinapit niya.

Si Cojuangco ay nasa pangalawang taon na sa karera ng oto at unang beses rin makatikim ng ganitong pangyayari sa loob ng race track. Salamat na lang at ganito lang ang kanyang sinapit. Nasubukan talaga ang safety equipment ng kanyang race car.

Nitong Martes ay py nilagyan na si Cojuangco mg metal rod sa kanyang balikat at dalawang linggo day ang paggaling nito sabi ng kanyang doktor. Di makapaghintay si Cojuangco na muling sumabak sa susunond na karera sa Oktubre. Get well soon Charlie!

Ganyan ang motorsports. Tulad rin ng larong basketball at iba pa, ALL sports are SAFE but it CAN BE dangerous kapag kulang ang ating kaalaman at preparasyon.

*****

Maligayang Bati sa napakagandang dilag na si Lara Angela Palileo na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon Set. 1 at kay dating Asian Karting champion Michele Bumgarner ngayong araw.

*****
Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo.

Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply