Motorsports patok sa mga Pinoy (at maging sa mga Pinoy at heart)

PINATAOB nila Stuart MacDnald at Jussi Hoikka ang halos 100 race car drivers noong nakaraang Linggo, Agosto 26, matapos nilang iuwi ang mga tropeo para sa dalawang major titles ng unang round n 2012 Tuason Racing School (TRS) Raceday.

Bagamat sa iisang race category lamang ang sinalihan nina MacDonald at Hoikka, kanya-kanyang pasikat naman ang dalawa sa kanilang driver category. Race 1 pa lamang ay nagpakitang-gilas na ang baguhang si Hoikka nang pangunahan niya sa finsh line ang kanyang kapwa novice drivers na sina Yvanna Carangan, TJ Chong, Mickey Kim, at ang karting champion na si Basti Escalante. Muntik namang maagawan ng expert driver na si Sean Redpath ang kabaro nitong si MacDonald, ngunit nagtamo ito ng 10-second penalty kaya naman si MacDonald ang nauna sa finish line sa unang karera.

Bumawi naman si Redpath pagdating ng ikalawang round matapos magtamo ng penalty ni MacDonald dahil sa kanyang pag jump start ng wala pang signal mula sa mga organizer.  Nagbigay rin ito ng pagkakataon sa ibang drivers upanpg makabawi, gaya ng expert driver na si Charlie Cojuangco (2nd) at ng novice driver na si Kim (3rd).

Hindi nagpapatinag kay Redman at sa iba pang expert drivers (gaya nina Ng, Leo San Juan, Juha Roiha) easy’ng-easy para kay McDonald ang ikatlong round ng TRS Raceday; napanatili ni MacDonald ang kanyang lead pole position sa halos pangkabuuan ng karera at hanggang matapos ito.

Gayun din naman, itinanghal si Hoikka bilang top finisher sa novice class sa pagkakasulot nito ng 2nd spot mula kay Cojuangco.

Ayon sa may ari ng Tuason Racing School na si JP Tuason, ang TRS Raceday raw ay ang “grassroots motorsports festival” ng bansa. Dagdag rin niya, kauna-unahan ito sa kasaysayan ng Philippine motorsports na umabot sa 1,500 ang bilang ng mga nanood ng karera sa loob lamang ng isang araw.

Aniya, ito raw ay magandang pangitain na marami ng Pinoy ang nagiging interesado sa ideya ng motorsports.

Ito ang unang round ng 2012 Season ng TRS Raceday at ginanap ito sa Batangas Racing Circuit (BRC). TRS Race Report

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply