Mrs. Robredo nega sa LP senatorial slate – Sonny

ITINANGGIni LP Vice President for NCR at House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na ikinukunsidera ng Liberal Party  si Atty. Leni Robredo para maisama sa senatorial slate ng partido.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos pumutok ang balitang minamadali na ng LP ang pagkumbinsi kay Ginang Robredo para mabuo ang kanilang magic 12 senatoriables para sa 2013 midterm election.

Paliwanag ni Belmonte na batay sa kaniyang obserbasyon, hindi interesado ang maybahay ng yumaong DILG Secretary Jesse Robredo sa pagtakbo sa halalan.

Aniya, batay sa kanyang impormasyon, mas interesado si Atty. Robredo na maging Regional Judge sa Bicol kaysa pumasok sa pulitika.

Wala aniyang katotohanan na tatakbo si Ginang Robredo  sa pagka-senador dahil hindi naman ito nagpakita ng motibo kahit noong una at kahit ng yumao na ang asawa nito.

Ang natitiyak lamang ni Belmonte ay ipupuwesto si Atty. Robredo bilang LP Chairman ng Camarines Sur ngayong nalalapit na halalan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply