MRT fare dodoblehin to P30

ANG maximum fare na P15 one way sa MRT ay dodoblehin na to P30.

Iyan ang legacy ni Mar Roxas bago lumipat sa DILG.

Sana ay hindi isumpa ng bayan si Mar, isang taong mayaman pero maka mahirap.

Sa pakikipagtulungan kay Manuel V. Pangilinan (MVP) at kay Don Jaime Zobel de Ayala (Jaza), isa pang makamahirap, sumang-ayon si Mar na “tingnan” ang proposal ni MVP at ni Jaza na itaas ang maximum fare at habaan ang buhay ng MRT hanggang year 2040.

Nang itayo bilang isang build-operate-transfer (BOT) na ngayon ay tinatawag na ng pamahalaan na PPP (public private partnership), ang sabi ng mga dating namumuno ng gobyerno natin ay kailangan ang MRT para sa cheaper cost of transportation.

Hindi totoo iyan dahil itataas na nga ang MRT fare.

Ano pa ba ang mga kasinungalingang ginagawa ng mga taga gobyerno?

Sabi nila, pag na privatize na raw ang MWSS, magmumura na ang presyo ng tubig.

At darami pa ang masasalok na tubig.

Kasinungalingan na naman iyan.

Sa halip na mapigil ang pagtaas ng presyo ng tubig ay lalo pa itong tumaas.

At lalong naging hindi efficient.

Ang MWSS ay privatized na, pero nariyan pa rin ang MWSS na isang ahensiya ng gobyerno.

Milyon-milyong piso ang suweldo, bonuses at iba pang perks kada buwan ang sinasahod ng mga taga MWSS, including drivers.

Akala ba ninyo ay sa BIR at Customs lang may ganyang kalaking kita?

Ano pang kasinungalingan ang ginawa ng mga taga-pamahalaan?

Pag na-deregulate raw ang oil industry, darami ang “independent” oil companies.

Pag dumami na sila, bababa o magiging matatag ang oil prices.

Kaululan iyan.

Sa halip, lalong nagmahal ang presyo ng gasolina at diesel.

Palusot ng pamahalaan.

Deregulated na kasi ang oil industry kaya wala na silang magagawa kundi payagan ang oil companies na magtaas ng presyo kung kailan nila gusto.

Eh sino ba ang nag deregulate?

Eh di ang gobyerno rin natin?

Iginigisa nila tayo sa sarili nating mantika, ang mahal pa naman ng mantika ngayon.

Dinedenggoy tayo ng gobyerno.

Ginagawa tayong mga bobo.

Privatized na ang Napocor.  Oh, really?

At bakit lalong nagmahal ang presyo ng kuryente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply