MRT fare hike ipatutupad sa Enero 2013

POSIBLENG ipapatupad na sa Enero 2013 ang dagdag-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT).

Sinabi ni dating Transportation and Communications at incoming Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na matagal nang naaprubahan at naisapinal ang pagtatas ng pasahe sa tren at posible na itong ipatupad sa Enero.

Tiniyak naman ni Roxas na magiging makatuwiran ang ipatutupad na fare adjustment.

“There will be changes [in fare] next year because there is an issue of unfairness. We need larger fund for infrastructure projects in the provinces and we need to subsidize the riders at the same time,” paliwanag ni Roxas.

Noon pang 2011 tinalakay ng pamahalaan ang pagtataas sa singil sa pamasahe sa mga mass transport system kabilang na sa Light Rail Transit (LRT).

Layunin ng fare increase na bawasan na ang subsidiya na ibinibigay ng gobyerno sa mga sumasakay dito at madagdagan ang pondo na magagamit sa pagpapahusay ng pasilidad nito.

Dahil sa hirap ng buhay, sinabi ni Roxas na nagdesisyon ang pamahalaang Aquino na huwag nang ipatupad ngayong 2012 ang planong fare increase.

Ngunit kailangan na umanong bawasan ang subsidiyang ibinigay ng gobyerno sa MRT riders sa 2013 upang magamit naman ang matitipid na pondo para sa transport system naman sa Visayas at Mindanao.

Mula nang mag-operate ang MRT-3 noong 2000, sinabing umabot na sa P75 bilyon ang subsidiya ng pamahalaan dito.

Ginarantiya naman ni Roxas na masusing susundin ng DOTC ang proseso sa ipatutupad na fare increase sa MRT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply