MTRCB chair Llamanzares, no comment sa pagtakbo sa Senado sa 2013

TIKOM ang bibig ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Grace Poe Llamanzares kaugnay sa balita sa pagtakbo niya sa 2013 Senatorial elections.

Ayon kay Llamanzares, hanggat wala pang pormal na anunsyo ang Pangulong Benigno Aquino sa kaniyang pagsabak sa senatorial elections ay hindi muna siya magbibigay ng anumang komento hinggil dito.

Sinabi ni Llamanzares na wala pang kasiguraduhan kung isasabak siya sa senatorial elections dahil hindi pa nag aanunsyo si Pnoy hinggil dito.

Binigyang diin ni Llamanzares na si PNoy ang boss niya kaya hihintayin niya ang ‘go signal’ nito sa kaniyang pagpasok sa pulitika.

Ikinatuwa naman ni Llamanzares ang pagkunsider sa kaniya ng UNA sa kanilang senatorial line up at nagpapasalamat siya kina dating Pangulong Joseph Estrada, Vice President Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile sa pagkakataon.

Sa ngayon umano ay pagtutuunan muna niya ng pansin ang kaniyang
trabaho sa MTRCB kahit pa sa simula na ang paghahain ng Certificate of
Candidacy sa Lunes, Oktubre 1.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply