Multa ng Philex sa tailings spill sisirit sa P1B

MAAARING umabot sa P1 bilyon ang babayarang multa ng Philex Mining Corporation bunsod ng pagtagas ng kanilang tailings sa minahan sa Padcal, Benguet, ayon mismo ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang pulong-balitaan, nabatid mula kay Environment Secretary Ramon Paje na posibleng umabot sa P975 milyon ang babayarang danyos ng Philex alinsunod sa nakasaad sa Mining Act at karagdagang P8.4 milyon naman para sa polusyong naidulot nito sa mga ilog batay na rin sa itinakda naman sa Clean Water Act.

“We are still computing the penalties but it is much higher now than the previous penalty of P325 million. There is a possibility that the penalty might double or even triple depending on the density and pollution reach to the affected rivers,” dagdag pa ng kalihim.

“Philex said that the pollution density index was 1.3. But our own findings showed that the density is at 1.5 now. We have to do it scientifically,” ayon pa sa kalihim.

Samantala, sinabi naman ni Mines and Geosciences Bureau director Leo Jasareno na nasa P50 kada tonelada ng tumagas na tailings ang multa ng Philex alinsunod sa Mining Act of 1995.

“So we are throwing the book at Philex. Kung ano ‘yung requirements ng batas [regarding penalties], we will require Philex to comply,” giit pa ni Jasareno.

Nakatakdang maglabas ang DENR ng tala ng kabuuang halaga ng babayarang multa ng Philex matapos nitong maayos ang tailings spillage na nakaapekto sa Balog Creek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply